"Sobrang nabago ng KGMI ang buhay ko, namin ng mga anak ko. Pati ang pananaw ko, kasi noon akala ko pag nanay ka diyan ka lang sa anak mo lang, dapat ikaw tumutok sa pamilya lang, pero hindi pala ganun. Tinuruan ako ni KGMI sa kung paanong hindi ka dapat matakot na paghiram ng pera para pamuhunan. Magnegosyo ka at gamitin mo ng tama ang puhunan na hiniram mo sa pagnenegosyo. Tiyak ang perang hiniram mo ay magagamit mo ito ng tama. Pinanghawakan ko ang aral na yun."
"Ako mismo ang gumagawa at nagluluto ng mga kakanin. Malaki ang naging tulong ng negosyong ito sa aking pamilya dahil dito kami kumukuha ng panggastos sa araw-araw at panustos sa pag-aaral ng aking mga anak."